kumusta naman ang pasugalan? sulit ba ang puyat na magdamagan? 'yun daw ang "ideal woman"... babaeng may lalake na, may babae pa, san ka pa? tao ka ba? ito ang uri na gustong pakisamahan?
gisingin ang ugat patungo sa utak baka natutulog lamang, paganahin kahit saglit lang.
kadalasan, nasasaktan na'y nasisisi pa - ang mga taong nagmamalasakit lamang, mga taong hinihingan ng payo nguni't hindi pinakikinggan. mga taong nalalapitan sa oras ng matinding pangangailangan. hindi lang sa panahong naghahanap ng kaibigang makakasalo sa saya o habang may naibibigay ka...
nasasabihan mo nga siya ng problema pero nasosolusyonan ba? paano kung sa bandang huli siya pala ang iyong problema, paano lalabas sa isang sitwasyon na hawak ka?
ito 'yung taong bulag sa katotohanan, bingi sa payo ng mga taong tunay na nagmamahal. "focused" ika nga, focused sa akala ay panghabang-buhay na kaligayahan. walang "happily ever after" hanggang hindi naitatama ang mga maling gawa.
No comments:
Post a Comment