Tuesday, May 18, 2010

Who says life is easy?

It's never easy... lalo na kapag di ka marunong makontento.

Noong bata ka gusto mong tumanda agad para magkatrabaho.
Noong tumanda ka naisip mong mas masarap pala ang maging bata kasi walang iniintindi.
Noong nagaaral ka feeling mo laging kulang ang baon mo.
Noong nagtatrabaho ka na, feeling mo laging kulang ang sweldo mo, nasa isip mo mag-aral na lang kaya ulit ako?
Kapag gutom ka nagrereklamo ka... kapag busog ka na nagrereklamo ka pa rin.
at marami pang ibang eklat!

Noong payat ka gusto mong tumaba, nung tumaba ka gusto mong pumayat.
Maputi na nga ang kulay mo, gusto mo pang magpa-tan.
Iyong mga kayumanggi nga gusto namang magpa-puti. (gumamit ng papaya, bleach, Belo meds, may gluthathione pa, tapos magrereklamo sa gastos)
Bakit di na lang tanggapin kung ano ang pinagkaloob sa iyo.

ano ba talaga, kuya?

Kailan ka ba masisiyahan? Kahit ang Diyos maguguluhan sa nais nating mangyari sa ating buhay kung ganito ang pagiisip natin. simple lang naman talaga dapat ang ating pamumuhay, pinapahirap lang natin sa pamamagitan ng pagkomplika ng sitwasyon.

Tanggapin na lang kaya natin ng maluwag kung ano man ang meron tayo, at mula doo'y palaguin ito. :-)


No comments: